ALDAW TI NANGISIT A KABALIO(DAY OF THE BLACK HORSE)

ni Juan S.P. Hidalgo, Jr.

Aha, umal-alsa, gumarraigi,
Kumanibur, gumilgilap
Ti dutdotna, kasla pasnaan
Dagiti matana — wen, itat’
Aldaw ti nangisit a kabalio.

Napalabasen dagitoy, ne:
Ti nagawangan a botelia
Ti San Miguel iti kalnaawan;
Ti tallo a ruot a sabongan;
Ken ti puraw ken pugot
A tumatayab iti kabatuan;

Uray pay ti pagaw iti taay,
Ken ti kulibangbang a limmapsut
Nga agpasimbaan, lasatenna, wen,
Ti naimuhon a dara iti puon
Ti alsado a bantay.

Aha, gumarraigi, umal-alsa,
Iti krusan a tantanem;
Gumilgilap, kumanibur
Iti amin a pungtot’ lubong;

Wen, itat’ pasnaan ken aldaw
Ti nangisit a kabalio.

Ala wen, pudno, kuridemdem
Ti simbaan; ngem ne, siuukrad
Ti ‘Paltiing’. Iti balbag a langit
Agbukbukar ti bomba a pangukom,
Iti tengngana nakadeppa
Ti lawag a rinibut’ naganna.

ARAW NG KABAYONG ITIM*
(ALDAW TI NANGISIT A KABALIO)
Salin ni Dr. Aurelio Agcaoilli
Aha, umaalma, humahalinghing,
Kumakawala, kumikintab
Ang balahibo’y makinang
At ang mga mata’y tila palihan — oo, ngayon
Ang araw ng kabayong itim.

Tapos na ang mga ito, o, tingnan mo:
Ang wala nang lamang bote
Ng San Miguel sa hamog;
Ang tatlong damong may bulaklak;
At ang puti at itim
Na ibon sa batuhan;

Ganoon din ang pagaw sa silo,
At yung paru-parong nakawala,
Pasimbahan, tatawirin niya, oo,
Ang dugong nakamuhon sa pinag-ugatan
Ng matayog na bundok.

Aha, humahalinghing, umaalma
Sa libingang markado ng mga krus:
Kumikintab, nagpupumiglas
Sa lahat ng pagsubok ng daigdig;
Oo, ngayon ang palihan at araw
Ng kabayong itim.

Oo, totoong may karimlan
Ang simbahan; subalit ang
Padama ay bukas na bukas. Sa Langit
Bumubukadkad ang bomba ng paghukom,
At sa gitna nito nariyan ang liwanag
Na mayroong isang libo’t isang pangalan.

Posted with permission from the author
Bannawag, Mayo 6, 1985
Talibagok, Antolohia Ti Dandaniw, Benjamin M. Pascual, Jose A. Bragado ken Cles B. Rambaud, eds. Metro Manila: GUMIL Metro Manila, c 1987, p. 63
Bileg ti Balikas: Pang-unawa sa Piling Tula ni Juan S.P. Hidalgo, Jr. sa Konteksto ng Kanyang Piling Painting, ni Dr. Aurelio S. Agcaoili, inihanda para sa Pambansang Kumperensiya ukol sa Mga Bago sa Panitikan, Kritisismo at Pagtuturo, Disyembre 4 – 6, 1996, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City.

Advertisements

%d bloggers like this: